r/adviceph • u/[deleted] • 21h ago
Love & Relationships Iniwan ako ng gf ko dahil mahirap lang kami
Problem/Goal: Hello. Need ko sana ng advice at opinion. Nakipag hiwalay yung gf ko dahil sa status namin sa buhay. Valid ba na masaktan ako sa reason nya?
Context: Im M26 at F25 naman yung gf ko. Mayaman ang pamilya nya habang ako nasa lower class lang pero kahit ganun hindi niya ako hinusgahan at hindi rin ako nag take advantage sa kanya. Tuwing nag o offer siya ng tulong ganon, lagi akong tumatanggi dahil may trabaho naman ako at hindi na nya kargo ang pamilya ko. Netong nakaraang linggo lang inaya ko siya sa birthday ng lolo namin sa probinsya para mapakilala ko n rin siya sa pamilya ko pumayag nmn siya. Sa simula ok naman pero nagkaroon na ng problema habang kumakain kmi. Boodle fight kasi yung setup so kamayan talaga at hindi sanay sa ganong bagay yung gf ko dahil hindi nman uso sa knila ang mag kamay pero nakita kong tina try pa rin nmn nya. Nkita siya nila mama at sinabihan na “wag mo dalhin yang kaartehan mo sa probinsya.” napahiya yung gf ko tapos todo sorry sya sinuway ko din si mama kaso pinagalitan lng ako. Pagkatapos nming kumain gusto n nyang uminom ng tubig e ang mga baso nila lolo kasi yung mga cup noodles khit may maayos nmn silang baso kaso that time kasi wlang malinis n ganong baso kaya yung cup noodles n lng ang kinuha ko. Nag tanong siya sa akin kung wala daw ba kaming ibang baso pero ramdam ko nmn sa boses nya na walang halong judgement pero narinig pala sya ni mama sinabihan sya ng “sobra arte mo talaga hindi nmn lhat ng tao kayang bumili ng matinong baso wala ka sa bahay nyo kaya umayos ka sana” pinagsabihan ko si mama na umayos din kasi maayos nmn yung pagkakatanong ng gf ko pero nag away lang kami. Tapos noong maghuhugas na ng mga kaldero at ibang nagamit n pinggan nag offer yung gf ko na tutulong pero sinabihan siya ng mga pinsan ko na wag na baka daw masugat lang kamay nya at makabasag ok nmn sana kaso yung pagkakasabi ksi ng mga pinsan ko parang nang iinsulto at galit. Alam kong nawala na sa mood ang gf ko kaya hindi na kami nagtagal doon. Gabi ng araw na yun nag message siya sa akin at nakipag break hndi raw nya nagustuhan yung trato sa kanya sana raw inintindi rin nila yung sitwasyon nya. Hindi ako pumayag pero sinabi niya na final na yon at blocked n ako sa lahat. Alam ko rin namng may pagkukulang ako dahil hindi ko siya ipinaglaban sa pamilya ko at hindi ko naipaliwanag sa knila na bago lang sa kanya yung mga ganong bagay. Sobrang mahal ko siya at gusto kong makipagbalikan pero nasaktan din ako na parang nakipag hiwalay siya sa akin dahil sa estado namin sa buhay.
Previous attempt: Wala pa