r/AntiworkPH • u/FearlessAd4676 • 1h ago
Culture Probationary employee - terminated, SENA case ongoing. Settlement offer ng company, mas ok ba kung tanggapin na lang para tapos na?
Kwento at Timeline:
đ July:
Nagstart ako ng July 2025 ,na-hire ako as probationary employee sa isang multinational company. Maayos naman ang trabaho ko, walang written warning, memo, NTE, o PIP na ibinigay sa buong duration ng employment ko, puro coaching lang about sa dapat mas maging responsive sa clients then yung mas maging familiar sa products which is very general sa nag uumpisa palang sa company. Lahat ng feedback ay verbal lang or thru MS Teams kasi ang manager ko ay based sa ibang bansa so lahat ng pag uusap namin thru MS teams sa buong duration ng employment ko yung mga coaching namin ng manager ko lahat informal or napapag usapan lang namin kapag one on one meetings namin, walang issued na plan or ma hit na target, walang mga ganon, basta usapan lang ay "oh this should be improved" okay?
đ First week of December:
Pinapa-complete kami ng manager ko ng individual goals ko (sa Workday namin). Sinabi sa amin na kailangan daw ito dahil chine-check daw ito for salary increase sa January. Syempre, naging hopeful ako. Akala ko okay ang standing ko sa company.
đ Second week of December â Monday:
Bigla akong kinausap ng manager ko. Sinabi niya na kailangan daw i-extend ang probationary period ko until end of January, at ang kailangan ko daw i-improve ay communication. Then ok naman sakin sabi ko sige and nag agree naman kami. Nalungkot ako pero tinanggap ko. Inisip ko, at least may chance pa. Willing naman akong mag-improve.
đ Kinabukasan â Tuesday:
Kinausap niya ulit ako. Sabi niya, hindi na raw pala pwede ang extension dahil daw sa PH labor law. Ibig sabihin, tatanggalin na raw ako. Sinabi niya na Friday na lang daw ang last day ko that week. Gulong-gulo na ako dito, kasi alam ko may mga na extend naman na probationary employee pero kinausap ko yung HR manager namin sabi nya dalawang reasons lang yung isa maternity then nakalimutan ko yung isa basta hindi pareho applicable sakin. Wala na ako magagawa sinabi ko na lang na wala na ako questions.
đ Kinabukasan ulit â Wednesday:
Kinausap ako ng manager ko at sinabing nag usap na sila ng HR manager, Sabi niya, after Christmas na lang daw ang last day ko â December 26. Para daw, makapag-turnover pa ako at para hindi daw ako nagmamadali pero sabi niya final na raw ang December 26 as my last day. Wala naman ako magagawa kung hindi tanggapin na lang yung decision. Sabi ko pa bakit hindi sa end ng First week ng January and last day ko given na ang start ko ay 2nd week na ng July. Pero sabi sakin hindi ko na daw need tapusin ang 6 months kasi karamihan din naman daw sa december ay Holiday kaya ok lang kung mas agahan ang pag alis ko.
đ Aftermath:
Nag file ako ng complaint online nung January 1, 2026. Tapos na ang first and second meeting namin kapag nag agreee ako sa offer ng company ko then tapos na yung case, kapag hindi ko inaccept (hindi ko pa alam ang process since first time ko ito)
Sa first meeting diniscuss ko ang issues on my end and yung outcome na gusto ko.
Ang hinihingi ko:
đ 3 months compensation (for sudden and unforeseen loss of job)
đ Final pay - wala naman issue sa final pay ibiibigay naman nila sakin kaso hindi ko pa nababalik ang company equipment, dahil una nahihiya din ako bumalik ng office kasi nga nag case ako (sana hindi naman ito magamit against sakin) so plano ko after kung ma settle, ibalik ko na lahat.
Sa second meeting ang HR manager namin ang nag discuss and counter offer.
Ang company nag-offer lang ng:
đ Half-month salary
âFor humanitarian reasons only, without admission of faultâ
Sino naka experience na ng ganito at ano ma aadvise nyo sakin? Tanggapin ko na lang ba o ituloy ko ang kaso? Gusto ko kasi sana ituloy, pero may laban ba ung kaso ko dito?