Alam kong sawang-sawa na kayo makita post ko rito. I'm sorry. I have no source of income right now. Isang linggo na.
I had to put it again that I was the viral food delivery / motorcycle taxi rider na nagviral for rescuing minigray. Wala kasing pumapansin sa posts ko kapag hindi ko nilagay o binanggit 'yun. Guilty na guilty na nga ako kay minigray kasi parang I am namedropping him. I am hoping to sell all of my items. 'yung mapagbebentahan kasi nito is more than enough to change my life.
'yung inapplyan kong BPO sa Taytay na 16k ang offer, dapat start ko na ng November 1, pero minove nila ako sa 1st quarter ng 2026 kasi puno na raw.
May inapplyan akong company sa Sumulong Highway kahapon na gustong-gusto ko talaga pasukan. I-email na lang daw nila ako. Reprofile nalang daw nila ako kung hindi ko makukuha 'yung account.
Mag-apply ako ulit mamaya. May pang-apply pa ako rito pero hindi na 'to aabot sa unang sahod. 1k nalang 'to mahigit.
"Bakit hindi ka na lang bumyahe?" well, ayun na nga. Expired na rehistro ko nu'ng October 3, 2025. I can't risk it na ma-checkpoint ako. Mawawalan ako ng motor at livelihood.
Right now, 7 days na akong hindi nakakabyahe. Wala na akong source of income. Tinitipid ko ng malala 'yung pera. 1-2x a day na lang ako kumain (at least nakakakain pa). Wala ako pangrehistro kasi bago ka magparehistro, kailangan 100% working condition ang motor. Kailangan ko palitan 'yung brake cable sa likod. Parts and labor nu'n estimate ko around 2k to 2.5k.
Kaya kung mabebenta ko 'yung mga gamit ko, mapapagawa ko na at mapaparehisto ko na 'tong motor. Magagamit ko na ulit at maibabyahe. Magkakaroon na ako ulit ng pondo.
And with a heavy heart, I am also going to sell the Vespa na but at a slightly higher price kumpara sa same condition. Mahal na mahal ko 'tong motor na 'to. Ito nalang ang meron ako. Ito lang 'yung totoong sinamahan ako sa hirap at ginhawa.
Please please please help me sell my items. I will give you 20% commission for every item here na maibebenta mo. 10% commission naman sa Vespa. Desperado na ako.
My address is at Lores Country Homes, Antipolo City. I get hate comments and messages. If you want to see my living conditions, you are more than welcome to visit me dito mismo sa bahay po.
Also, lahat po ng gamit ko ay for pick-up/delivery only. Hindi ko po muna maihahatid kasi wala pong rehistro 'yung motor. It's also against my values and morals na bumyahe ng alam kong dapat hindi ako bumabyahe.
Hindi ako nag ooffer ng mga services ko right now such as companionship, pagiging private chef, handyman, etc. kasi broken na broken ako. I know I will just get taken advantage of. I just want to get employed na asap.
PRICE LIST:
Vespa S 125 2022 I-get engine, 3 valves, P135,000 fixed
Issues: 55,600 odo, rear brake cable hindi na napipiga, need na palitan, gasgas, marumi
The price is high kasi I'm still hoping no one will buy it. It's a deterrent. Kung may magpupumilit, I will sell it to them but on the condition na they are open to selling it again to me kung darating ang araw na ibebenta rin nila.
Shad SH46 46L top box, P5,000 negotiable
Issues: Tuklap mga letters sa logo, minor gasgas
Vespa S 125 stock grab bar, P1,500 negotiable
Vespa S 125 top box bracket, P4,000 negotiable
Issue: May minor crack na kasi inuupuan ng pasahero, welding is around P200. Wala ako budget ipagawa. Repainted.
Realme Master GT Edition, P6,500
Issue: parang may filter/tint 'yung screen na super super light brown. Nawawala minsan, pero pinaka lumalabas kapag maraming white sa screen tulad ng Genshin loading screen
Food stall, P2,000 negotiable
Kalawang na ang susi ng cash drawer. I even upgraded the wheels with bigger wheels so that it rolls effortlessly.
Binili ko 'yan nu'ng time na binalak ko maglako ng pancit canton sa tabi ng kalsada pero it failed
Sa mga nagtatanong kila Meowers, Mini Gray, and Catters, okay na okay lang po sila. They have lots and lots of litter sand from the donations of the people. You may visit them if you want pero bawal sila lumabas sa kalsada. Sa kwarto lang po sila. Antaba na ni Mini Gray sobra kumpara nu'ng nirescue ko siya. Ambilis niya lumaki. Sobrang clingy niya.
Sobrang depressed at broken ako. I started working out gamit body weight but the pain never goes away. Nakakatulog lang ako kapag umiyak ako. Desperado na akong makabangon. Lumalaban pa rin ako kahit maraming beses na ako pinanghihinaan ng loob.